Monday, August 14, 2006

Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas halos lahat ng mga Pilipino gustong mangibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang pamilya. Kahit saang bansa pupuntahan, kahit gaano kadelikado, kahit anong trabaho papasukin at kahit pagiging illegal na pgpasok sa ibang bansa ginagawa para lamang makatikim ng kaginhawaan ang mga mahal sa buhay.

Isa sa mga bansang madaming naeengganyong pumunta ay ang China. Sa kadahilanang malapit lamang eto sa Pilipinas at propesyonal ang magiging trabaho. At dahil sa madami ang gustong pumunta,
sinasamantala naman ito ng ating mga kababayang nagpapangako ng siguradong trabaho sa China. Ito sana ay maganda kung hindi nila pinapaniwala ang kapwa nila na may trabaho ito agad pgdating sa China at hinihingan pa nang napakalaking pera sa trabahong wala naman.

Isa si June na nabiktima ng illegal recruiter na si Joyce sa Baguio. Si June ay 32 gulang at isang college instructor sa Baguio nang anim na taon bago naisipang magbakasakali sa China.

"Mababa kasi ang sweldo sa Pinas kaya napag-isipan kong pumunta ng China upang mgturo", ani June, na may asawa at dalawang anak na naiwan sa Pilipinas.

Isa sya sa pangatlong batch na nirecruit ni Joyce. Apat silang Pilipino na pumuntang Macau bago dumiretso sa China. 75T ang binayaran nila kay Joyce, kasama na dito ang ticket nila na Tiger Airways at tourist visa. Sa tita ni Joyce sila nakituloy sa Macau at samantalang nandun pinahanap sila ng trabaho sa pangangatwiran ni Joyce na mas okay ang Macau sa China. Ngunit dahil sa pangungulit nila na pumunta na ng China sinamahan sila ni Joyce at nghanap-hanap ng trabaho sa Dongguan at Guangzhou.Dito na napag-isipisip nila na walang nag-aantay na trabaho para sa kanila sa China.

"Nghanap si Joyce ng mga ibang agent para makapasok kami ng trabaho. Nauna yung dalawa kong kasama. Ngbayad sila sa agent ng 10T bago pinapunta sa Jilin ngunit yung trabaho nila ay pagiging tutor lamang at hindi full-time teacher",sabi ni June.

Sa kalaunan ay hindi pa rin nakahanap si June ng trabaho kaya ngmakaawa sya sa agent nung dalawang nakaalis na na tulungan din siya. Nung una ay inayawan sya ngunit dahil sa tulong na din nung dalawang Pilipino ay pinapunta na rin sya sa Jilin.

"Ngayon ngtuturo na ako sa isang primary school. Pero ang masaklap ay wala akong kontrata. Ang working visa ko ay pinaggastusan ko ng 20T dahil hindi ang school ang ngsponsor sa akin,"dagdag ni June.

Dahil sa naranasan ni June, pinagiisipan na nyang umuwi ng Pinas sa katapusan ng taon. " Hindi madaling makakita ng trabaho dito ang mga Pinoy. Grabe ang discrimination sa China. Kahit nga dito sa akin napakalayo ng agwat ng pagtrato nila sa puti at sa hindi puti. Napakaganda ng mga tirahan ng mga puti kung ikokompara mo sa amin. At ang school ang ngproprovide nyan,"sabi ni June.

"Sa mga gustong pumunta sa China, kung maaari wag na kayong makipagsapalaran dito. Yan lang ang masasabi ko. Diyos nila ang puti dito. Ang pinoy mahihirapan makahanap ng trabaho dito,"dagdag ni June.

Marami na ngang Pinoy sa China pero marami din ang walang trabaho o ngtatrabaho gamit lamang ang business visa. Sa mga gusto talagang pumunta, huwag na kayong mgpatulong sa mga recruiter kung hindi sila yung licensyado sa POEA. Huwag padadala sa mga pangakong may trabahong nag-aantay dahil hindi kayo matatanggap sa mga eskwelahan kung hindi kayo nakikita at nakakausap ng mga principal o punong-guro.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home